Favorites

Ezra 1-3

  Mode: MP3/MIDI
    • Ezra 1-3
  1. Nasa Herusalem na,
    Babilonia tapos na,
    Tayo'y nagkakaisa,
    O sa Diyos ang glorya!
    Pagtuturo'y wala na,
    Opinyon iniwan na,
    Kaluluwa't 'spiritu,
    Hiwalay na nang husto.
    • Aleluya! Aleluya!
      Kami'y nagkakaisa
      Para sa ekklesia.
      Aleluya! Aleluya!
      Sa ekklesia lokal namumuhay na!
  2. Nang sum'long pagbabawi,
    Kai-langan saserdorte -
    Kay Kristo manatili,
    Sa Diyos ang l'walhati!
    Mapuspusan ni Kristo,
    Kristo rin maging premyo.
    Pagtatayo'y magawa
    Sa lokal na ekklesia.
  3. Pagkahari makita,
    Awtoridad kasama -
    Sa dibinong paghari,
    Sa Diyos ng l'walhati!
    Pasakop sa 'Spiritu,
    Tunay na benepisyo -
    Ka-ilanga'y ito nga
    Sa lokal na ekklesia.
  4. Dambana'y tam'hin natin,
    Handog doon ihain.
    Haing susunugi'y pat'yin,
    Diyos luwalhatiin!
    Kailangan di magtalo,
    Sa 'klesia'y ganap tayo,
    Ang di-ganap bunutin
    Sa ekklesia ngayon din.
  5. Ang pundasyon nalatag -
    Ang l'walhati'y natanyag!
    Tayo'y puspos ng saya
    O sa Diyos ang glorya!
    Pagsigaw ay lakasan
    Mapakinggan ng tanan -
    Ang kaaway talo na,
    Sa ekklesia lokal nga!

Details



  • Category:ANG EKKLESIA
  • Subcategory:ANG PAGBABAWI NG PANGINOON
  • Hymn Code:34555553211765

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds