Favorites

Anong l'walhati ng ekklesi-a't bahagi tayo -

  Mode: MP3/MIDI
  1. Anong l'walhati ng ekklesi-a't bahagi tayo -
    Ginawang isa ng Pangino'n tayo!
    May 'sang Katawan sa sansinukob't bahagi tayo -
    Ginawang isa ng Pangino'n tayo!
    • Aleluya sa Katawan!
      Sangkap tayo ng Katawan!
      Lubos para sa Katawan!
      Ginawa tayong isa ng Pangino'n!
  2. 'Di na Kristiyanong indibid'wal, kundi sama-sama -
    Tamuhin ng Diyos ang kahayagan Niya;
    'Di ekklesiang isa-isa, kundi isang Katawan -
    Aleluya, tayo'y nasa Katawan!
    • Aleluya sa Katawan!
      Dyablo'y nanginig sa Kat'wan!
      Tagumpay tayo sa Kat'wan!
      Aleluya, tayo'y nasa Katawan!
  3. May pitong dibinong gintong patungan-ng-ilawan -
    Walang likas na bagay sa Katawan.
    Kalikasan ng Diyos kabahagi't kaisa natin -
    Patungan-ng-ilawan nagniningning!
    • Aleluya sa Katawan!
      Sa patungan-ng-ilawan!
      Sa ginintuang Katawan!
      Aleluya! Nagningning na ngayon!
  4. Nagkakaisa, maging diibino't nagniningning pa,
    Sa pagkain kay Hesus nakukuha!
    Siya ang puno ng buhay, piging, laging bago't manna -
    Aleluya, Siya'y kainin tuwina!
    • D'hil sa pagkain kay Hesus,
      Nagkakaisa nang lubos!
      Nagniningning at dibino!
      Aleluya! Pagkain ang daan ko!

Details



  • Category:ANG EKKLESIA
  • Subcategory:BLANG ANG KATAWAN NI KRISTO
  • Hymn Code:123333321121165

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds