Favorites
Di sa kasalanan
- Di sa kasalanan,
Nahatulan;
Lupang kamatayan,
Nilakaran. - Namahalang dyablo.
Lubos Mong tinalo;
Tao'y di mabihag
Ni mabitag.
- Libinga'y ginapi,
Buhay muli,
Pinagtagumpayan
Kamatayan!
Lumabas tuluyan,
Mula sa libingan,
Ang Hades tinalo
Ng Kristo ko! - Kay laking tagumpay
Iyong tinaglay,
Lubhang masagana
Ang Iyong glorya.
Sa Iyong pagkamatay,
Libo ang nabuhay.
Bilang Iyong tahanan
Iyong tirahan. - Ika'y unang-bunga,
Aming Sinta;
Panganay ng Diyos Ka,
Nangunguna.
Sa lahat higit Ka,
Ang Ulo'y Ikaw nga.
Karapat-dapat Ka,
Sa pagsamba.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs