Favorites

Bukal ng buhay Ka, O Diyos

  Mode: MP3/MIDI
  1. Bukal ng buhay Ka, O Diyos,
    Matamis na agos,
    Banal at mayamang tustos,
    Saan ma'y lumagos.
  2. Ang pag-ibig sa Anak Mo
    Dumating sa tao,
    Espiritu ang umagos,
    Kami'y pinupuspos.
  3. Tao'y kanya-kanyang landas,
    Kasalana'y tahas,
    Katubusa'y sa Anak Mo,
    Buhay matatamo.
  4. Kahit inapi Ka namin,
    Sinusuway Ka rin,
    Espiritu'y naghihintay -
    Bigyan kaming buhay.
  5. Sa Anak Ika'y 'Spiritu
    Sa'mi'y nakihalo,
    Elemento Mo'y darami
    Sa pagpahid lagi.
  6. Pag-ibig ng Diyos, batid ko,
    Biyaya ni Kristo
    At agos ng Espiritu
    Laging tamasa ko.
  7. Diyos Trinidad—Ama, Anak,
    Espiritu Santo,
    Karapat-dapat purihin
    At laging mahalin!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds