Favorites

Hebreo 8

  Mode: MP3/MIDI
    • Hebreo 8
  1. Sa trono ni Hesu-Kristo,
    Dinala Niya tayo.
    Mundo, dyablo, sarili't sala
    Nasa ating paa!
    Tapos na gawa ni Kristo,
    Humahantong nga rito;
    Di na kawawang maysala,
    Kundi mapa-glorya.
  2. Nanahan sa bahay ng Diyos,
    Mal'walhating lubos.
    Umu'rong, mababang buhay,
    Di natin tinaglay!
    Pagpasya, isip, damdamin
    Atin nang lisanin;
    Sa Kabanal-banalan nga
    Tayo'y mapunuan Niya.
  3. Tayo'y nasa Bagong Tipan:
    Buhay kautusan,
    Transpormasyon nangyayari,
    Diyos 'ting pag-aari;
    Tayo naman Kanyang bayan -
    'Nong katotohanan;
    Sa lo'b natin, Diyos atin na,
    Lubos dinakila.
  4. Diyos nagbigay karagdagan;
    Dapat maalaman:
    Sala'y pinawi ni Hesus,
    Nilimot nang lubos;
    No'ng nagdaan na dos siglo
    Nangyari na ito.
    Ngayo'y utos ng buhay na,
    Sa 'tin nagdadala.
  5. Natupad dalawang bagay
    Sa krus Niya'y matunghay:
    Utos ng buhay lumaya,
    Kanyang ekonomiya;
    At katapusan ng sala,
    Natupad gawa Niya!
    Siya'y naluklok, napahinga;
    Tam'hin Kanyang mana.
  6. Bitiwan lumang konsepto,
    Kunin daang wasto;
    Bawa't mana gamitin,
    Ikaw ay purihin.
    Mataas na Saserdote,
    Lalapit na kami -
    Hanggang maabot layunin:
    Bagong Herusalem!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds