Favorites

Kahanga-hangang pagtubos

  Mode: MP3/MIDI
  1. Kahanga-hangang pagtubos
    Buhat sa Iyo, Hesus.
    Di nakita, di nabatid
    Sa 'kin, pinahatid.
    Mahiwaga't dibino Ka,
    Higit sa mawika!
    Katubusang mahiwaga,
    Kapuri-puri nga!
  2. D'hil sa 'min Ika'y tinulos,
    Dugo't tubig 'magos;
    Buhay ang napasa amin,
    Nang kami'y tubusin.
    Sa dugo'y nilinis kami,
    Nang matanggap, kami
    'Sinilang-muli, sa buhay
    Ika'y kaisang tunay.
  3. Trigong butil, namatay Ka.
    Maraming 'binunga,
    At nabuong Iyong Katawan,
    Pinag-isang tanan.
    Kami ay Iyong karagdagan
    Ika'y nilalaman,
    Nabubuhay Ka sa amin.
    At nahahayag din.
  4. Yamang kami'y Iyong Katawan,
    Sa ami'y tumahan;
    Tahanan Mo'y kamtin sa 'min,
    Kami'y Iyong manahin.
    Puso Mo'y bigyang-ligaya,
    Kami'y kapareha,
    Bilang Katawan Mong isa,
    Lahat Mo'y tamasa.
  5. Habang ginugunita Ka,
    Sagisag nakita;
    Pagtubos dakila't puno,
    Papuri ay sa Iyo.
    Yamang kami'y Iyong Katawan,
    Sinta at tahanan,
    Pasalamat at papuri,
    Pagsamba'y Iyong lagi.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds