Favorites

Hesus sa Iyong ganda 'ko'y nabihag

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hesus sa Iyong ganda 'ko'y nabihag,
    Puso ko sa Iyo'y binubuksan;
    Sa panrelihiyong gawa'y ikalag
    Sa Iyo manahan, 'ko'y tulutan.
    Pun'in ng liwanag ang puso ko,
    Nang Iyong l'walhati minamasdan;
    Iyong Espiritu sa 'kin ihalo,
    Pangino'n ako'y Iyong puspusan.
  2. Hesus, Ikaw ang Siyang nagniningning,
    Anak ng Tao sa luklukan;
    Ako'y tupukin upang magningning
    Ng Kristo sa 'king katauhan.
    Nang nasinag Iyong kal'walhatian,
    Pagl'walhati sa sarili ko
    Tuloy nahulog sa kahihiyan;
    Pag-ibig ko'y nabaling sa Iyo.
  3. Ang aking alabastrong sisidlan,
    Babasagin ko para sa Iyo;
    Iyong Ulo aking pinapahiran,
    Ang pinakamabuti ay Iyo.
    Pangino'n pinakaiibig ko,
    Lahat ko'y sa Iyo ibubuhos;
    Mamahaling langis in'handa ko,
    Pag-ibig para sa Iyong lubos.
  4. Sa bundok ng espesia, Irog ko,
    Minimithi Kitang makita;
    Mula sa bukal ng aking puso,
    Uminom Ka't 'ko'y mapahinga.
    Sa Iyo sumisinta di ako lang,
    Kundi lahat ng mga banal
    Na Iyong kasintahan; nag-aabang
    Sa Iyong pagdating, aming Mahal.

Details



  • Category:PAGDARANAS KAY KRISTO
  • Subcategory:MINAMAHAL SIYA
  • Lyrics:RK
  • Music:Oscar Ahnfeldt
  • Hymn Code:3211112332

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds