Favorites

Haring Hesus ay batiin

  Mode: MP3/MIDI
  1. Haring Hesus ay batiin!
    Nagdusa para sa 'tin,
    Hinamak at tinanggihan;
    Hatid ay katubusan;
    Dumaan sa kamatayan,
    Sala namin pinasan;
    Iyong proteksyon 'ming tamasa,
    Sa ngalan Mo'y may glorya.
  2. Kordero ng Diyos, Ikaw nga,
    Pinahiran ng Ama,
    Sala namin ay pinasan;
    Halaga'y binayaran;
    Patawad nami'y natamo,
    D'hil sa mahal na dugo;
    Nabuksan bagay ng langit
    Biyaya Mo'y sumapit.
  3. Lumuklok na may l'walhati,
    Ang Ama'y Iyong katabi;
    Naroon Ka para sa 'min,
    Sinasamba Ka namin.
    Do'n namamagitan sa 'min,
    Iyong pasan; lumbay namin.
    Namagitan para sa 'min,
    Hanggang glorya'y sapitin.
  4. Samba, dangal puri't pala
    Karapat-dapat Ka nga,
    Ang pagbunyi'y huwag humupa,
    Tinig lakasan pa nga;
    Tayo ay magpapangita,
    'Ming sasalubungin Ka;
    Galak nagmula nga sa Iyo,
    Tugon ng aming puso.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds