Kami’y turuan Mo
0
Format:
- Kami’y turuan Mo,
Manalangin ayon sa Iyo.
’Di daang sarili,
Araw-araw tawagin kang lagi -
Lumago Ka sa ’min. - Binhi ng buhay Ka,
Sa puso ko pinunla;
Ngayon may simula,
Ang higit na buhay matamasa -
Lumago Ka sa ’min. - Kami’y palambutin;
Ikaw, pinagmulan namin.
Iyong ngala’y tawagin,
Lupa’y bungkalin, bato’y alisin -
Lumago Ka sa ’min. - Kay linaw liwanag,
Aming kahinaan hayag;
Totoong pahayag
Buhay na binhi, sisibol tiyak -
Lumago Ka sa ’min. - Dukha sa ’spiritu,
Kunin nga mga alam ko;
Buhay agusan Mo,
Upang sa buhay kami’y lumago -
Lumago Ka sa ’min. - Puso’y dalisayin,
Sapagka’t di mas’yahan din,
Kung di Mo mapunan
Ang isip, damdamin, pasya’t tanan -
Lumago Ka sa ’min. - Kintalan ’ming puso,
Bawa’t araw, ’Ka’y matamo;
Ang binhi lumago,
Kaharian manatili dito -
Lumago Ka sa ’min. - Amen!—Sa paglago!
Buhay Mo’y di-limitado;
Ang tanan mabago.
Maga’wa sa pamamagitan Mo.
Hesus, lumago Ka,
Sa ’mi’y lumago Ka.
0
0



