Favorites

Kay inam! Tinig ng puri

  Mode: MP3/MIDI
  1. Kay inam! Tinig ng puri,
    Sa lahat ng dako't oras;
    Kung wika nati'y tinimpi,
    Sigaw ng bato'y lalabas.
  2. Dahil sa dugo'y binili,
    Tayo'y magpuri sa Kanya,
    'Binigay Niya ang Sarili,
    Kamataya'y tinikman Niya.
  3. May tanging awit sa mundo,
    Alam ng salaring ligtas,
    Di alam ng ibang tao
    Na di pa nakararanas.
  4. Anghel makapagsasabi:
    Habag nagmula sa dugo,
    Nguni't tayo'y may bahagi
    Sa bisa't biyaya nito.
  5. Anghel pupuri't sasamba,
    Umaamin na Siya ay Diyos,
    Nguni't maging sa trono, Siya
    Ay may pagka-taong lubos!
  6. Pagsinta Mo ang dahilan
    Ng pagkamatay Mo sa krus;
    Pagbalik Mo'y aabangan,
    Papuri't pagsamba'y puspos.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds