Favorites
Kasaysayang matamis at marilag
- Kasaysayang matamis at marilag,
Isinugo ng Diyos bugtong Niyang Anak;
Mula sa langit at sa krus namatay,
Tinubos kami't pinasok sa buhay. - Purihin! Purihin!
Natupad gawain.
Sa Kanya'y salamat.
Biyayang kay lawak.
L'walhati kay Hesus na Manunubos!
Awitan si Hesus ng pusong taos.
- Kasaysayang kamangha-mangha ito,
Hiling ng luklukan, nagtugo'y dugo.
Kahatulan, Anak ng Diyos pumasan,
Diyos at tao kapwa nga nasiyahan. - Purihin! Purihin!
Natupad gawain.
Sa Kanya'y salamat.
Biyayang kay lawak.
L'walhati kay Hesus na Manunubos!
Awitan si Hesus ng pusong taos.
- Niluklok sa trono, niluwalhati,
Pinarangalan Siya, ngalan binunyi!
Ang Tagapagligtas pinatunayan.
Karapat-dapat nating papurihan. - Purihin! Purihin!
Natupad gawain.
Sa Kanya'y salamat.
Biyayang kay lawak.
L'walhati kay Hesus na Manunubos!
Awitan si Hesus ng pusong taos.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs