Favorites

Lumulubog sa sala

  1. Lumulubog sa sala,
    Sa laot ng dagat,
    Nadungisan nang lubha,
    Di makakaangat;
    Nguni't ang Panginoon
    Hibik ko'y dininig,
    At ako ay inahon
    Ng pag-ibig!
    • Pag-ibig Niya
      ang nagligtas!
      Nang sa sala ay lugmok,
      itinaas!
      Pag-ibig Niya
      ang nagligtas!
      Sa makamundong buhay iniligtas!
  2. Puso ko'y ibibigay,
    Sa Kanya tumangan,
    Magpuri at mamuhay
    Sa Kanyang harapan.
    Nararapat purihin
    Pag-ibig Niyang tapat,
    Paglilingkod ko'y kunin
    Lahat-lahat.
  3. Kalul'wang nanganganib,
    Kay Hesus tumingin;
    Pag-ibig Niya'y sasagip,
    Tungo sa baybayin.
    Mga alon sa dagat
    Susunod sa Kanya;
    Pagliligtas Niya'y kagyat -
    'To'y ngayon na!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds