Favorites

Hinanap sa paggiliw

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hinanap sa paggiliw,
    Akong walang aliw,
    Pagal, may kasalanan,
    Inuwi sa kawan.
    Habang sa Kanyang harapan
    Mga anghel nag-awitan.
    • O pag-ibig sa 'kin,
      Humanap, umangkin!
      O dugong dulot katubusan,
      Biyayang nag-uwi sa kawan!
  2. Sugat ng kasalanan,
    Kanyang hinugasan;
    Langis, alak, 'binuhos,
    Nang gumaling lubos,
    Kanyang tinig na kay tamis
    Lunas sa puso kong hapis.
  3. Bakas ng pagkapako,
    Sa aki'y 'tinuro;
    Ang may tinik na putong,
    Sa Kanya'y 'pinatong;
    Bakit nagdanas ng dusa,
    Dahil sa akin na aba?
  4. Nang sa Kanyang presensiya,
    Pinagmasdan ko Siya,
    At Kanyang pagpapala
    Aking ginunita.
    Di sapat ang mga araw
    Upang papuri'y isigaw.
  5. Habang ang mga oras
    Ay nagsisilipas,
    Iisa lang na bagay
    Aking hinihintay;
    Na sa tabi Niya'y tawagin,
    Kasintahan Niyang kapiling.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds