Favorites

Ibig kong magsalaysay

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ibig kong magsalaysay,
    Mak'langit na bagay,
    Hesus, tamis ng tinig,
    L'walhati't pag-ibig.
    Ibig kong magsalaysay,
    Alam ko Siya'y tunay,
    Nagbigay kasiyahan,
    Hindi siya mahigtan.
    • Ibig kong magsalaysay,
      Paksang hanggang l'walhati,
      Ang kasaysayang dati:
      Hesus at pag-ibig.
  2. Ibig kong magsalaysay,
    Tila mas mahusay
    Kaysa mga pangarap
    At aking pagsikap;
    Ibig kong magsalaysay,
    Lahat na 'binigay,
    Ito nga ang dahilan
    Ika'y bahaginan.
  3. Ibig kong magsalaysay,
    Paulit na saysay,
    Pag lalong sinasambit,
    Lalong tumatamis.
    Ibig kong magsalaysay
    Sa mga walang malay,
    Ng kaligtasang lubos
    Sa Salita ng Diyos.
  4. Ibig kong magsalaysay,
    Pagka't mga banal ay
    Sabik makabalita
    Tulad din ng iba.
    Pagdating sa l'walhati,
    Kasaysayang dati
    Na pinakaiibig
    Ang bago kong awit.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds