Favorites

Sa krus ako'y idulog

  Mode: MP3/MIDI
  1. Sa krus ako'y idulog,
    Nang mapagaling Mo,
    Naglulunas na daloy,
    Galing sa Kalbaryo.
    • Nasa krus, nasa krus,
      Ang luwalhati ko;
      Di na mahihiwalay
      Krus sa kalulwa ko.
  2. Sa Iyong krus nakatamo,
    Pag-ibig at awa;
    Sa aki'y sininag Mo
    Ningning ng Iyong tala.
  3. Ako'y dalhin sa tagpo
    Ng Iyong pagkapako!
    Tulungan ang lakad ko
    Sa lilim ng krus Mo.
  4. Malapit sa krus, ako
    Sa Iyo'y maghihintay,
    Nang makita'ng mukha Mo,
    Di muling mawalay.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds