Favorites

O Batong Walang hanggan

  Mode: MP3/MIDI
  1. O Batong Walang hanggan,
    Sa I-yong tagiliran
    Dugo't tubig dumanak,
    Di na 'ko mapahamak,
    Sa lumang likha'y ligtas,
    Sa sala'y dobleng lunas.
  2. Kahit ano pang gawin,
    Utos di kayang tupdin;
    Ni ng pusong maningas
    Ni ng luhang madalas,
    Sala'y di malulutas
    Liban sa Iyong pagligtas.
  3. Kamay kong walang laman
    Tanging sa krus tatangan;
    Damtan Mo'ng kahubaran,
    Dukha'y Iyong kahabagan,
    Marumi'y Iyong hugasan,
    Sa Iyo lang—kaligtasan.
  4. Kung ako'y lilisan na,
    Pipikit na ang mata,
    Palapit walang hanggan,
    Haharap sa luklukan,
    O Batong walang hanggan,
    Ika'y aking kanlungan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds