Favorites
Buhay ay isang iglap
- Buhay ay isang iglap,
Tulad ng mga ulap,
Sindali ng pangarap,
Agapan!
Panaho'y lumilipas,
Buhay ay nagwawakas,
Pagdaka'y pahimakas,
Agapan! - Agapan! Agapan!
Tawag ka ni Hesus, iyong agapan,
Kung mabalam sa sala,
Baka mapagsarhan ka,
At tawag mo'y huli na,
Agapan!
- O pantas, tingnan mo nga,
Bulaklak nalalanta,
Kabataa'y tatanda,
Agapan!
Magtuos nang maaga,
Baka maabutan ka -
Walang hanggang parusa,
Agapan! - Ang Espiritu Santo,
Nagsusumamo sa iyo,
Nang buhay matanggap mo,
Agapan!
Tanggapin biyaya Niya,
Nang di mapahamak ka,
Mag-atubili'y huwag na,
Agapan! - Pakinggan mo, salarin,
Manliligtas piliin,
Langit magagalak din,
Agapan!
Ang liwanag tunguhin,
Panginoon tanggapin,
Lumapit ka ngayon din,
Agapan!
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs