Favorites
Tagapagligtas nagdugo
- Tagapagligtas nagdugo,
Namatay Hari ko,
Buhay Niya'y sinakripisyo,
Sa uod na tulad ko? - Namighati doon sa krus,
Para sa sala ko?
Pag-ibig, biyayang lubos!
Habag di matanto! - Sa dilim araw nagtago,
Nang ang Manlilikha
Namatay para sa tao;
Inako pa ang sala. - Nang makita ko ang krus Niya,
Nagkubli sa hiya,
Puso'y natunaw sa awa,
Mata'y lumuluha. - Di makabayad ang lumbay,
Utang ng pag-irog,
Panginoon, aking buhay,
Sa Iyo ihahandog.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs