Favorites

Sa laksang tao Siya'y higit

  Mode: MP3/MIDI
  1. Sa laksang tao Siya'y higit,
    Pag-ibig Niya!
    Mas mainit sa kapatid,
    Pag-ibig Niya!
    Tao sa 'tin umaayaw,
    Ngayo'y aliw, bukas panglaw;
    Siyang Kaibigang may ilaw:
    Pag-ibig Niya!
  2. Tamasa ko'y lusog, laya,
    Pag-ibig Niya!
    Isipin utang sa Kanya,
    Pag-ibig Niya!
    Sa dugo, binili ako,
    Sa ilang, hinanap ako,
    Sa kawan inuwi ako:
    Pag-ibig Niya!
  3. Hesus kaibigang tunay,
    Pag-ibig Niya!
    Pagpala Kanyang binigay,
    Pag-ibig Niya.
    Puso tumingin sa Kanya,
    Nang ako'y makapahingan;
    Bakit sa Kanya tatanggi pa?
    Pag-ibig Niya!
  4. Aking sala'y napatawad,
    Pag-ibig Niya!
    Naghanda sa 'kin ng hapag,
    Pag-ibig Niya!
    Pinaka'buting pagpala,
    Pawang buti walang sama;
    Gabay ko hanggang sa glorya:
    Pag-ibig Niya!
  5. (Isinalin mula sa Intsik)

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds