Favorites
O Diyos, walang hanggang Ama
- O Diyos, walang hanggang Ama,
Ang di-nilikhang "AKO NGA"!
Mas antigo kaysa tanan,
Bago pa'ng kapanahunan. - Mula sa kawalang-hanggan,
Panaho't lugar nahigtan;
Kapuspusang walang hanggan,
Diyos ngang walang katapusan, - Walang hanggang pinagmulan,
Bago pa ng kalangitan;
Una sa lahat ng una,
At higit pa sa "pinaka." - Ang buhay na walang hanggan,
Ika'y walang katapusan;
Higit na nananatili,
Lampas sa pinakahuli. - Bilang una Ika'y Alpha,
Bilang huli ay Omega;
Sa simula hanggang wakas,
Buo't sakdal, walang kupas. - Sa Iyong kawalang-hangganan,
Sa lawak ng kapuspusan;
Maging sa Iyong kasakdalan,
Dapat Ka ngang papurihan.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs