Mahal kong Banal na Aklat
Mahal kong Banal na Aklat
1
|
Mahal kong Banal na Aklat, B’yaya’t pagtubos ’nilahad; Liham ng Pag-ibig Ni-ya, Salamin ng Kanyang mukha. |
2
|
Aklat na ’king iniibig, Tseke ng bangko sa langit; Titulong pamana sa ’kin, Testamento Niya’t habilin. |
3
|
Banal na Aklat, mahal ko, Gaya Ka ng teleskopyo, Nang darating ay makita Mga l’walhati’t himala. |
4
|
Mahal kong banal na Aklat, Gabay sa panlupang lakad; Sa kadiliman ay tanglaw Liwanag sa araw-araw. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?