Anghel nangag-awitan
Anghel nangag-awitan
1
|
Anghel nangag-awitan Glorya sa Bagong-silang Na Haring may biyaya Payapa nga sa lupa Taot Diyos nagkasundo, Mangagalak nga tayo; Kristo’y naisilang na. Atin ding iproklama |
2
|
Kristo, samba ng tanan, Pangino’n walang hanggan Sa huli Siya’y dumating Naging supling ng birhen Salitang naging laman, Anong kahiwagaan Taong kasama natin Hesus, Immanuel natin. |
3
|
Hari ay papurihan, Ang araw ng katwiran, Dala’y buhay, liwanag, May panlunas na pakpak; L’walhati’y iniwan Niya, Isinilang sa lupa; Nang maisilang-muli Ang taong Kanyang mithi. |
4
|
Mithi ng mga bansa, Sa puso’y manahan ka; Binhi ng babae man, Ulo ng ahas, saktan. Anyong Adam burahin Iyong anyo ang kamtin. Huling Adam, kami nga’y Sa pag-ibig tumibay. |
(Ulitin ang huling dalawang linya) |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?