1. Nakikiramay ba si Hesus,
    Kung ako’y nasasaktan
    Sa kahirapan,
    Kapighatian,
    At pasang krus pa ang daan?
    • Oo, nakikiramay Siya,
      Ang puso Niya’y nasaktan,
      Kapag ang araw
      ay may kalungkutan
      Nakikiramay Siya.
  2. Nakikiramay ba si Hesus,
    Kung natatakot ako,
    Pagtakip-silim,
    At dumidilim,
    Siya ba ay nasa piling ko?
  3. Nakikiramay ba si Hesus,
    Kung mithing tagumpay na
    Pinagsikapan,
    Di ko nakamtan,
    Walang patid ang pagluha?
  4. Nakikiramay ba si Hesus,
    Kung sa ’king pagpaalam,
    Sa aking sinta
    Rito sa lupa;
    Puso ko’y nasusugatan?