1. Ang aking tahanan ay Diyos Mismo,
    Kristo nagdala sa akin dito;
    Dinala ’kong tahakin ang daan,
    Patungo sa kabanal-banalan;
    Kung sa’n Diyos at tao’y nananahan,
    Anong katamisa’t kagandahan!
  2. Gabi’t araw daan hinanap ko,
    Akala’y sa sarili ang dako,
    Walang pagsulong, walang nangyari,
    Pawang bigo, sikap ng sarili;
    Sa huli nabatid tanging daan,
    Nang sa Diyos manahan—Kristo lamang.
  3. Banal, kamangha-manghang tahanan!
    Diyos kasama may kapayapaan;
    Yamang Ikaw at ako nagsama
    Bilang tahanan sa isa’t isa;
    Nawa tungo sa Iyo ang buhay ko,
    Diyos laging ibahagi sa tao.