1. Diyos sa langit may k’yamanan,
    Di masaysay nang lubos;
    Mahal Niya walang hangganan,
    Anak Niyang Kristo Hesus.
    Diyos sa lupa may k’yamanan,
    Tanging Siya maalam din;
    Malalim Niyang kaluguran
    Kristo’y nahayag sa ’kin.
  2. Di-maparisang halaga,
    Di-maubos na yaman;
    Tulad ng apoy na dila,
    Pinuspos ang sisidlan.
    Diyos Mismong pumuspos dito,
    Mula sa kalangitan;
    Pun’in ang sabik na puso,
    Pag-ibig walang hanggan.
  3. Marangal na tawag sa iyo,
    Daig pagsubok, tukso;
    Sanga in’ugnay sa puno,
    Ibuhos ang lahat mo.
    Abang sisidlang-lupa man,
    Dukha at walang dangal;
    Sa loob taglay mong yaman,
    Si Kristong pinarangal.
  4. Maging basyo at mababa,
    Di-pansinin at tago;
    Sisidlan ng Diyos, banal pa,
    Kay Kristo’y punung-puno!
    L’walhating di-natatakpan
    Ng sarili o lupa;
    Ibida ang kasaysayan,
    Binasyo’t pinuspos Niya.