O bihag Lumaya ka
O bihag Lumaya ka
1
|
O bihag Lumaya ka! Sa batas ng sala, Kautusan ng buhay Bibigyang-buhay ka. Espiritu’y asahan, Buhay Niya’y manguna Sa parte at pinto ng Katawan, kalulwa. |
2
|
Kay Hesus napalaya Sa krus pinako Nya Lakas ng sala’y puksa Sa loob at labas. Hindi na kikilos na Parang walang “batas”; Kautusan ng buhay Ngayon mamahala. |
3
|
Kay Hesus napalaya: Sa kamatayan Nya Matanim, mapalaya Sa lakas ng buhay. Sa Espiritung hinga Nagbibigay buhay; Ang kalulwa’t katawan, Napamahalaan. |
4
|
Kay Hesus napalaya: Ugpong sa Nabuhay, Sa palabang dalangin Tagumpay tamuhin. Lumayang malwahati Sa lawak ng dilim; Sala’t kam’tayang batas Buhay Niya’y lumutas. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?