Ang lahat iniwan ko na
1
|
Ang lahat iniwan ko na Pasang-krus sinundan Ka; Pasakit di-alintana Dahil Iyong itinakda. Mga nais, hanap, asa Nawala’y di-ininda, Datapwa’t mayaman ako, Kristo’t Diyos bahagi ko. |
2
|
Iwan man ako ng mundo Kagaya ko’y si Kristo; Tao’y lilinlang sa akin, Sa ’kin di Niya gagawin. Nang ngiti Mo Iyong ’pakita, Itakwil man ng iba Ako’y hindi mangangamba, Damdam ko’y mapayapa. |
3
|
Guluhin man ako nino, Ako’y lalapit sa Iyo; Mabigat ang pagdurusa Akin din Iyong payapa. Kung mukha Mo’y Iyong ’pakita, ’Nong dusa di mabata? ’Nong galak sa ’kin aakit, Kung Ika’y di kalakip? |
4
|
Biyaya dala’y l’walhati, Panalig ay baluti; Walang-hanggan ay darating, T’yak Niya akong akayin. Mahihinto ang gawain, Matatapos lakbayin; Panalig maging paningin, Papuri, di na daing. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?