Sa Iyong karunungan, Ama

1
Sa Iyong karunungan, Ama,
Ayon sa Iyong hangad,
Walang hanggang layunin Mo’y
Anak ang nagtupad.
  O kay yaman at kay lalim
Ng Iyong karunungan!
Habag at biyaya’y doon:
Aming nasumpungan!
2
Kay inam ng sangnilikha,
Nakita dunong Mo;
Lahat ay sa Iyo nagbuhat,
Sa Iyo rin tutungo.
3
Dunong sa sala’y nagpinid,
Nang awa’y matanghal,
Upang walang magmapuri
Bukod sa Iyo Mahal.
4
Sa dunong at krus ginanap
Pagtubos Mo sa’min;
Nang Ika’y aming taglayin
Sa ’spiritu namin.
5
Dah’l sa ekklesia Iyong dunong
Ay naipaalam
Sa lahat ng pamunuan.
Sa sangkalangitan.
6
Sa habag magmapuri sa
Bagong Herusalem;
Ang karunungan Mo’y ganap
Naming aarukin.