Sa puso natin hinasik ang binhi ng buhay
Sa puso natin hinasik ang binhi ng buhay
1
|
Sa puso natin hinasik ang binhi ng buhay Nang puspos lumago maging kanyang kapareha Binhi’y tubig kailangan di batas o ang porma Binhing nagpapaloob ng lahat ay lalago! |
Hesus ang binhi lamang! Sa akin nanahan Paglago Niya sa atin ang binhi ay gugulang. |
|
2
|
Magbubunga ng trigo ang paglago ni Kristo Buhay sisibol, di pa ganap gawang dibino; Di kailanman isang trigo makapaghahayag May bagong karanasan kapag butil naghalo. |
Hesus ang binhi lamang; trigo ay Hesus din! Butil dapat maghalo may bagong karanasan. |
|
3
|
Di dapat paligtasin ang ‘sang butil ng trigo, Sama-samang durugin, gilingin bawat butil Hanggang ang trigo ay maging pagkaing nabuo Upang naghalong banal mahubog sa Katawan. |
Tanggapin ang paggiling upang Kristo natin Maihulma sa Katawan Niya ang bawat butil. |
|
4
|
Naging pagkain binhing tanim, trigong lumago Sa bukid ng Diyos mga Kristiyano ay lalago; Paglago’y para sa pagtatayo ng ekklesia, Paghanap kapwa’y natapos ng may tahanan na. |
Bukid para itayo ang isang tahanan Para sa Diyos at tao magkaisang manahan. |
|
5
|
Pagtatayo’y pilak, mahalagang bato, ginto, Transpormasyong di masambit na init, pasakit Di masyahan manatili na lamang pagkain Kunin ang transpormasyon nang maging isang bato. |
Maaanyo mahalagang bato sa dusa; Sa pagtatayo ng Diyos mawangis sa layon Niya. |
|
6
|
Mula sa ganap na paglago at transpormasyon Isang payak, hiyas na perlas ang lumalabas. Natanto sa kamatayan, binuo ng buhay Bunga Nyang malwalhati ang ekklesia, ang Nobya. |
Ang Nobyang magbibigay— lugod sa puso Niya Nais ang perlas na tapat, purong kapareha. |
|
7
|
Paglago sa buhay nagsimula nang tinanim Binhing lumago, trigong giniling na pagkain, Pag pagkain natransporma pagtatayo’y gawin, Mabubuo ginto, pilak, mahalagang bato. |
Bukid itinayo sa mga batong mahal, Pinanggalingan ng mahal na perlas, Niyang Nobya. |
|
8
|
Dukhain ‘spiritu, dalisayin puso namin Lumago binhi ng buhay sa mabuting lupa, Hanggang marating huling yugto at masyahan Ka Mataglay Mo mahal, piniling perlas, ang Nobya. |
Espiritu at puso namin dalisayin Nang paglago Mo sa’min mai-bunga Iyong kab’yak. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?