Malambing na tumatawag si Hesus -
1
|
Malambing na tumatawag si Hesus - Sa i-yo at sa akin; Hinanap ka, ibig ka Niyang iligtas - Tumatawag ngayon din! |
Halikayo! Mga pagod, halina! Taimtim na tumatawag si Hesus, Halikayo! Maysala! |
|
2
|
Sa atin si Hesus ay namamanhik - Bakit ka mag-’antala? Bakit mag-atubili sa pag-ibig - Biyaya at habag Niya? |
3
|
Dagliang lumilipas ang panahon - Ika’y mapag-iwanan; Anino ng kamataya’y nagtipon - Baka ka maabutan! |
4
|
Kagila-gilalas ang pag-ibig Niya - Ipinangako sa iyo! Nagkasala ka nguni’t Siya’y may awa - At patawad nang buo! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?