Pag-asa ng kal'walhatian ay si Kristo
Pag-asa ng kal'walhatian ay si Kristo
1
|
Pag-asa ng kal'walhatian ay si Kristo, Kanyang muling-'sinilang ako't pinuspusan; Pagdating Niya katawa'y babaguhing-anyo, Tulad ng mal'walhati Niyang katawan. |
Siya'y darating, ako'y lul'walhatiin! Katawan ko'y babaguhing-anyo katulad Niya. Siya'y darating, pagtubos gagawin! Tayo'y lul'walhatiin ng Pag-asa ng gloria. |
|
2
|
Pag-asa ng kal'walhatian ay si Kristo; Hiwaga ng Diyos na aking natatamasa; Dumating upang ako'y sa Diyos maihalo, Pati mabahagi ko l'walhati Niya. |
3
|
Si Kristo ang pag-asa ng kal'walhatian, Katawan ko'y tutubusin sa kamatayan, Gagawin Niyang mal'walhati aking katawan, Pagtatagumpayan ang kamatayan! |
4
|
Si Kristo ang pag-asa ng kal'walhatian, Kasaysayan ko't karanasan ang buhay Niya; Dadalhin ako sa l'walhating kalayaan, Kahit magpakailanma'y kaisa Niya. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?