Minamahal naming Hesus

1
Minamahal naming Hesus,
Binhi ng babae ka,
Isang birhen ang nagsilang,
May taong pangalan pa.
Taglay likas na pantao,
Ahas niyurakan Mo;
Ulo nya’y sinugat sa krus
Natupad plano ng Diyos.
  Iyong gloria’y nakita,
Sa pantaong ganda,
Anong rilag, nahahayag sa pagkatao.
2
Sa pagkakatawang-tao,
Na may laman at dugo
Pinuksa diablo, Satanas,
Para sa ating lahat.
Hesus, ngalang ibinigay
Emmanuel tawag din,
Ikaw naging Tagapagligtas,
Kaligtasang tunay dala.
3
Ikaw din ang “Huling Adam”,
At “Ikalawang tao”,
Bagong nilikha ay Ulo,
Higit Ka sa nauna.
Sa lupa ugali’t buhay
Anak ng taong tunay;
Sa langit ang kalikasan
Tao Ka rin nakita.
4
Sa takdang panahon ng Diyos
Ika’y babalik muli,
Sa luwalhati ng Ama,
Tao pa rin makita
Sa trono ng paghahatol
Anak ng tao pa rin.
Pantao Kang kalikasan
Maging magpakailanman.