O Pag-ibig, 'ko'y inangkin
O Pag-ibig, 'ko'y inangkin
1
|
O Pag-ibig, 'ko'y inangkin, Ako'y namahinga sa Iyo; Buhay ko sa Iyo'y ihain, Nang sa lalim ng dagat Mo Ito'y payamanin. |
2
|
O Ilaw, gabay ko sa daan, Suko ko aking ilawan; Puso ko nang Iyong sikatan, Higit na naliwanagan; Mas ang kagandahan. |
3
|
O Galak—nag-alis lumbay, Di ko sasarhan puso ko; Bahaghari ang patunay Sa Iyong tiyak na pangako, Umagang makulay. |
4
|
O Krus, sa 'kin nagtingala, Hindi kita maiiwan; Pangmundo'y nailibing na Ang buhay na walang hanggan Ay namulalak na. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?