Sukdulang pagpapala'y tamuhin
Sukdulang pagpapala'y tamuhin
1
|
Sukdulang pagpapala'y tamuhin, Sa tuwinang pagtahan kay Kristo, Pagsalamuha'y panatilihin Upang mga hadlang ay maglaho. |
2
|
Sa pagtahan, pagpahid aagos; Sa pagtalima't pagsalamuha, Paggabay ng 'spiritu'y matalos, Pagsunod, yaman Niya'y makukuha. |
3
|
Liwanag ng biyaya'y sisilay; Sa pananaha't pagsalamuha. Ilaw ay sundin, lalago'ng buhay; Mula sa dilim ay napalaya. |
4
|
Sa pagtahan, lalakas, sisigla, Mga daing nagiging awitin, Sa pagsalamuha'y liligaya - Kamatayan sa buhay lulunin! |
5
|
Si Satanas at ang kasalanan, Sa pananahan ay magwawakas; Sarili man at ang sanlibutan, Sa pagsasalamuha'y lilipas. |
6
|
Sa pagtahan makakawangis Niya; Kapangyariha'y mararanasan; Mapupuspos sa pagsalamuha, Ng Kanyang buhay at kayamanan. |
7
|
Mananahan, Panginoon, sa Iyo; Pagsalamuha ang hangarin ko, Ako'y lubusang mawala sa Iyo Walang hanggang maihalo sa Iyo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?