Ebanghelyo’y salamuha natin

1
Ebanghelyo’y salamuha natin
Nang Poon tanggapin;
Sa pagsusulong ng ebanghelyo
Ikalat ang Verbo.
Pagsasanggalang, pagpapatunay
Kabahagi’y gracia
Gawang sinimulan, pasakdalin
Hanggang Siya’y dumating.
2
Nawa mga pangyayari natin
Maging ebanghelyo
Isulong ebanghelyo’t matuto
Makita ng lahat.
Sa espiritu salita ng Diyos
Matapang sabihin,
Sa pag-ibig at kapangyarihan,
Sa Di-yos  mamuhay.
3
Lakas ng loob asa’y mabigyan
Kami Panginoon,
Kristo sa buhay o kamatayan
Madakila namin.
Di kami mapah’ya sa anuman
Kristo’y maibuhay—
Persona, lahat-lahat, at buhay
Sa ‘ting pamumuhay.
4
Anuman mangyari buhay natin
Ay sa ebanghelyo,
Nagkakaisang nagpupunyagi
Isang espiritu.
Ebanghelyong ganap ay ihayag
Di-yos masiyahan
Kristo’y buhay, ekklesia ay kopya
Sa lahat ihayag.