Hilagang tirahan ng Diyos

1
Hilagang tirahan ng Diyos
Bagyong malakas galing
Espiritung umiihip
Tayong lahat siniil.
Pinukaw pundasyon natin—
Hangin tayo’y ginising!
Pagtuos ng Diyos tanggapin
Ulap bababa sa ‘tin.
2
Nasa ulap presensya Niya,
Kay tamis pag-aligid,
Kulong ng Kanyang paglapit;
Sa Poon pananalig.
Nguni’t ulap dala’y apoy
Pitang sakim sunugin;
Bilang naging mga abo
Mas mataas abutin.
3
Mula sa kisap ng apoy
Elektrum nagniningning
Gintong-Diyos, pilak na tao
Anong gandang paghalo.
Metal na maningning Ka
Diyos-Korderong dakila
Nawa’y electrum sa amin
Sumilay at gumawa.
4
Mga buhay na nilikha
Tayong isa sa Kanya
Ihayag buhay ni Hesus
Maranasan natin Siya.
Danasin Siya bilang tao,
Taong kay buti, pino;
Balanse, normal, payapa.
Taong ganap, dibino.
5
Bilang leon ihayag Siya
Talunin ang kaaway;
Bakang masunurin tapat;
Sa Kanyang ministeryo.
Bilang agilang kay taas
Ihayag natin Si-ya,
H’wag matakot o matuya
Lahat ililipad Niya.
6
Aleluya! Mula hangin,
Ulap, apoy, electrum,
Diyos ginamit ang sagisag
Sa nilikha ay glorya..
Bilang tao, baka’t leon,
Agila—lahat apat
Ganap nating kahayagan
Sa pagkain sa Kanya.