Sa sala'y mga nabibigatan
Sa sala'y mga nabibigatan
1
|
Sa sala'y mga nabibigatan, Dumulog lamang; Simulan ang bagong buhay ngayon, Lapit sa Pangino'n. |
Dumulog lamang, Panginoo'y lapitan; Sala'y bitiwan, kahit ka ganyan, Hesus iyong lapitan. |
|
2
|
Iyong puso sa sala'y napilatan, Dumulog lamang; Kahit ang Ama iyong nilayuan, Dumulog ka lamang. |
3
|
Sinusumbatan, puso'y nasaktan, Dumulog lamang; Isiping tinubos sa Kalbaryo, Hesus lapitan mo. |
4
|
Kasiyahan ng Diyos di makamtan, Dumulog lamang; Magtiwala sa dugong binubo, Hesus lapitan mo. |
5
|
Dalhin iyong dusa't kapighatian, Dumulog lamang; Manliligtas handa kang tanggapin, Lapitan ngayon din. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?